Kagawad patay sa pamamaril sa South Cotabato

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 02:27 AM SHARE(S):

Patay sa pamamaril ang isang baranggay Kagawad sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Police Regional Director for Region 12 Sr/Supt. Eliseo Tam Rasco, kinilala ang biktma na si Dima Macaludos, 45 anyos, Kagawad ng Barangay Lumakil.

Sugatan din sa pamamaril ang kanyang asawa na si Rohania, 42 anyos, ngunit stable na ang kondisyon at nagpapagaling sa Polomolok District Hospital.

Sakay ang mag-asawa ng motorbike na minamaneho ni Dima at pauwi sana nang kanilang bahay mula sa town proper.

Nang marating nila ang Purok Maguindanao, isa sa dalawang lalaki na sakay ng isa pang motorsiklo ang pinagbabaril ang kagawad sa ulo at katawan.

Natamaan ang kanyang asawa sa binti.

Naisugod pa sa Howard Hubbard Hospital ang biktima ngunit namatay din dahil sa head injuries.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ang mga suspek.

Ayon kay Polomolok Police Chief Supt. Samuel Cadungon, posibleng away-pamilya sa pagitan ng mga biktima at suspek ang motibo sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.