Babae patay sa pamamaril sa Pasay

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 01:49 AM SHARE(S):

Nasawi sa pananambang ang isang 28-anyos na babae sa Pasay City.

Ayon sa Southern Police District (SPD) nakatayo lamang ang biktimang si Jackielyn Antonio, 28 anyos sa tabi ng barangay hall ng Barangay 124 nang pagbabarilin ito ng dalawang suspek.

Sakay ang mga hindi pa nakikilalang suspek ng isang blue Honda Wave motorcycle na walang plaka.

Matapos paulanan ng bala ang biktima ay agad na umalis ang mga suspek.

Dinala pa ng mga kaanak si Antonio sa Pasay City General Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.