Replica Procession ng Itim na Nazareno magaganap na ngayong araw

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 04:58 AM SHARE(S):
INQUIRER File Photo

Magaganap na mamayang hapon ang pagbabasbas at prusisyon sa mga replica ng Itim na Poong Hesus Nazareno.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng makasaysayang pista ng Poon tuwing Enero 9.

Ala-1:30 mamaya magaganap ang replica procession.

Dahil dito, nag-abiso ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) tungkol sa mga isasarang kalsada para sa araw na ito at pinapayuhan ang lahat na gumamit ng mga alternatibong ruta.

Mula alas-11:00 ng umaga, sarado sa mga motorista ang mga sumusunod na kalsada :

– Southbound lane ng Quezon Boulevard (bahagi ng Quiapo) mula A. Mendoza/Fulgoso hanggang Plaza Miranda
– at Westbound lanE ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street

Ang mga sasakyang galing mula España Boulevard papuntang Roxas Boulevard/ South Pier Zone/Taft Avenue ay pinapayuhang kumanan patungong P. Campa, diretso sa Fugoso Street hanggang sa makarating sa destinasyon.

Ang mga manggaling naman mula A. Mendoza Street patungong Quezon Boulevard ay dapat kumanan patungong Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue hanggang sa makarating sa destinasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.