Chot Reyes, itinangging nagbalik siya sa TNT

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 01:54 AM SHARE(S):

Pinabulaanan ni dating national team coach Chot Reyes ang mga balita na siya ay nagbalik sa kanyang dating PBA Team na TNT Katropa.

May lumabas na ulat na magiging isang ‘advisor’ si Reyes para sa Katropa sa nalalapit na pagbubukas ng 2019 PBA Season.

Gayunman, sa isang tweet, sinabi ni Reyes na hindi siya bahagi ng TNT sa anumang opisyal na kapasidad.

Anya, inimbitahan siya noong nakaraang linggo na pangunahan ang isang team session ng TNT na kanya din naman umanong ginagawa sa ibang team maging sa ibang mga liga.

Si Reyes ay tumayong coach ng KaTropa mula 2008 hanggang 2012 kung saan bahagi siya ng apat na kampeonato ng koponan.

Iniwan niya ang TNT noong 2012 matapos mapili para pangunahan ang Philippine men’s basketball team.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.