Sexbomb, tatanggap ng mga bagong miyembro

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 01:12 AM SHARE(S):

Tatanggap ng bagong miyembro ang all-girl dance group na SexBomb.

Sa isang Instagram post, inanunsyo ng grupo na magkakaroon sila ng auditions ngayong buwan sa Quezon City.

Ang mga nais sumunod sa yapak nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia ay kailangan lamang nasa pagitan ng 15 hanggang 20 anyos, walang kasalukuyang kontrata sa ibang grupo at ‘willing’ dumalo sa regular dance trainings bilang scholar.

Matatandaang sikat na sikat ang grupo sa kanilang mga dance hits na ‘Spaghetti’, ‘Halukay Ube’ at iba pa.

Nagkaroon din ng sariling teleserye ang grupo na ‘Daisy Siete’ na tumakbo ng ilang taon sa telebisyon.

 

View this post on Instagram

 

@goldsgymphilippines show done. SB NewGen with Dancing warrior @airabermudez and SexBomb Ballerina Twins @kriziaramis and @triziaramis. Get, get aww! 💣

A post shared by THE SEXBOMB GIRLS | SB NEWGEN (@sexbombgirls) on Dec 8, 2018 at 8:15am PST

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.