Malacañang sa pagkamatay ng Maguindanao ex-Mayor: Walang exempted sa drug war

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 03:08 AM

Walang sinuman ang ‘exempted’ sa giyera kontra droga ng gobyerno.

Ito ang sinabi ng Palasyo ng Malacañang matapos mapatay sa shootout si dating Parang, Maguindanao Mayor Talib Abo Sr. noong hatinggabi ng Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, anuman ang katayuan sa lipunan at sa pulitika ng mga taong sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ay kaparehong tadhana ang sasapitin ng mga ito kapag nanlaban sa mga awtoridad.

Nanindigan si Panelo na pinapayagan ng batas ang mga awtoridad na gumamit ng pwersa sakaling ang buhay nila ay nanganganib dahil sa mga suspek na nasa ilalim ng lehitimong operasyon.

Giit pa ng kalihim, kailanman ay hindi kukunsitihin ng administrasyong Duterte ang mga pagpatay na labag sa ilalim ng Konstitusyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.