3 sugatan sa pagsabog ng LPG tank sa isang food park sa Pasay

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 04:51 AM SHARE(S):

Sugatan ang tatlo katao matapos sumabog ang isang LPG tank sa isang food park sa Roxas Blvd. Service Road sa Pasay City.

Ayon kay Pasay City Fire Station chief Supt. John Pinagod, nagkaroon ng ‘leak’ ang tangke na mula sa kusina ng isa sa mga food stalls.

Ang mga nasugatan ay pawang mga empleyado ng stall kung saan sumabog ang LPG.

Isinugod na sa ospital ang tatlo na nagtamo ng second-degree burns.

Sa ngayon, pansamantalang isinara sa publiko ang food park habang isinasagawa ang imbestigasyon sa naganap na pagsabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.