Seguridad para sa Pista ng Nazareno kasado na

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 04:53 AM

Kuha ni Rhommel Balasbas

Kahapon pa lamang, araw ng Linggo ay sinimulan nang higpitan ang seguridad sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Manila Police District Chief Sr/Supt. Vicente Danao, nagpakalat na ng 600 pulis para sa mga rutang daraanan ng magaganap na blessing at replica procession mamayang ala-1:30 ng hapon.

Mahigpit na rin anya ang pagpapatupad ng checkpoints sa paligid ng Basilika ng Black Nazarene o Quiapo Church.

Giit pa ni Danao, madaragdagan pa ang deployment ng mga pulis sa mga susunod na raw.

Matatandaang ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar, 7,200 mga pulis ang ipakakalat para sa mismong araw ng Traslacion.

Limang-libo ang manggagaling sa iba’t ibang distrito ng NCRPO habang 2,200 ang mula sa MPD.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.