Mga bandila sa mga paaralan sa Cotabato, ilalagay sa half-mast bilang paggunita sa mga biktima ng pagsabog

By Rhommel Balasbas January 07, 2019 - 12:03 AM

Ipinag-utos ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa mga paaralan sa lungsod ang paglalagay sa bandila ng Pilipinas sa half-mast mula ngayong araw ng Lunes.

Ito ay bilang paggunita sa mga biktima nang naganap na pagsabog sa isang mall noong bisperas ng bagong taon na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng 34 na iba pa.

Ayon kay Sayadi, sa pamamagitan ng naturang hakbang ay mabibigyang-pugay ang mga nasawi na sina Jonathan Tasic Torribiano at Mariam Kali, at maipapakita ang pagkakaisa para sa 34 na iba pa.

Ilalagay naman sa half-mast ang bandila sa labas ng city hall mula ngayong araw hanggang Biyernes.

Matatandaang isang improvised explosive device ang dahilan ng pagsabog noong bisperas ng bagong taon.

Inilabas na ng pulisya ang mga larawan ng dalawang lalaki na naglagay ng IED malapit sa isang lotto outlet.

May alok ang city government na P500,000 para sa sinumang makapagbibigay impormasyon tungkol sa mga suspek.

TAGS: Cotabato blast, Cotabato City, Cotabato blast, Cotabato City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.