Koryano, arestado dahil sa paggamit ng pekeng pasaporte

HUMAN INTEREST JANUARY 3, 2015 Bureau of Immigration INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Arestado ang isang Koryano matapos magtangkang gumamit ng pekeng pasaporte paalis ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na nahuli si Kwak Dong Hee, 26- anyos, sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong December 28, 2018.

Ginamit umano ng Kwak ang pangalang Erik Nacis sa kanyang pekeng pasaporte.

Si Kwak ay isang half-Korean half-Filipino na ipinanganak sa Meycauayan, Bulacan noong 1992.

Ayon kay BI Travel Control and Enforcement Unit supervisor Carlo Gomez, inamin ni Kwak ang tunay na pagkakakilanlan matapos dumaan sa ilang katanungin ng immigration officer.

Binili aniya ng Koryano ang pekeng pasaporte sa halagang P120,000.

Ani Morente, base sa kanilang datos, huling dumating si Kwak sa Pilipinas noon pang August 27, 2015.

Kasunod nito, nagbabala si Morente sa mga dayuhan na huwag magtangkang manloko para hindi maharap sa anumang kaso.

Read more...