Liquor ban, ipatutupad para sa Traslacion 2019 – NCRPO
Simula sa araw ng Lunes (Jan. 7), ipatutupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang liquor ban para sa preparasyon sa Traslacion 2019.
Sa isang panayam, ibinabala ito ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar kasunod ng apela sa mga nais makiisa sa prusisyon na huwag uminom ng alak para makaiwas sa anumang hindi inaasahang insidente.
Epektibo ang liquor ban simula Lunes ng gabi hanggang sa mismong araw ng Traslacion.
Inabiso rin ni Eleazar ang mga deboto na huwag magdala ng matutulis na gamit at ilegal na bagay tulad ng shabu at marijuana.
Paalala pa ng opisyal, huwag ng dalhin ng mga magulang kanilang mga anak sa prusisyon dahil posibleng maipit sa milyun-milyong deboto ng Itim na Nazareno.
Tiniyak naman ni Eleazar sa publiko na magpapakalat ng 7,200 na pulis at 2,000 na sundalo para sa ligtas na pagdaraos ng pista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.