Roger Federer kasama ang Switzerland, nagwagi sa Hopman Cup

AP file photo

Nagwagi si Roger Federer sa tennis league na Hopmam Cup sa ikatlong pagkakataon.

Ito ay matapos matalo ng defending champion na Switzerland ang Germany sa iskor na 2-1.

Nakuha ng Switzerland ang ikaapat na Hopman Cup title nang talunin nina Federer at Belinda Bencic sina Alexander Zverev at Angelique Kerber sa Fast4 format ng mixed doubles match.

Sa men’s singles, natalo din ni Federer si Zverev sa iskor na 6-4, 6-2.

Sa isang panayam, ikinatuwa ni Federer ang kaniyang nagiging performance sa mga laro.

Siya mismo aniya ay nagulat sa nagiging resulta ng mga tennis match.

Unang nagwagi ang 20-tume Grand slam champion ng Hopman Cup kasama si Martina Hingis noong 2001.

Noong nakaraang taon, natalo rin nina Federer at Bencic ang German pair na sina Zverev at Kerber sa final.

Nanalo rin ang Switzerland noong 1992.

Read more...