Magpapataw na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mas mataas na multa sa illegal parking simula sa araw ng Lunes, January 7.
Mula sa P200, ang mga attended vehicle na mahuhuling ilegal na nakaparada ay mayroon nang P1,000 na multa.
Mula naman sa P500, tataas na sa P2,000 ang multa ng mga mahuhuling unattended vehicle.
Maliban sa illegal parking, tinaasan din ng MMDA ang multa sa traffic obstruction sa P1,000 na dati ay nasa P150 lamang.
Maaari ring pagmultahin ang mga motorista na magpaparada sa labas ng kanilang bahay maliban sa mga nakatira sa mga pribadong subdivision.
Paliwanag ni MMDA general manager Jojo Garcia, nagpatupad ang ilang local government unit ng ordinansa kaugnay sa one-sided parking.
Ngunit ani Garcia, dapat hindi ito ikonsidera ng mga opisyal ng barangay para gumawa ng sariling parking area.