400 na Pinoy nurse, bukas na trabaho sa Germany – POEA

By Angellic Jordan January 06, 2019 - 05:39 PM

Nangangailangan ng 400 na Filipino nurse ang bansang Germany.

Binuksan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang aplikasyon sa ilalim ng Triple Win Project na isang joint initiative ng ahensya at German Federal Employment Agency.

Magkakaroon ang mga matatanggap na aplikante ng panimulang buwanang suweldo na €1,900 o katumbas ng P113,000.

Ayon sa POEA, posible pa itong tumaas sa € 2,300 o P137,000.

Narito ang mga kwalipikasyon ng aplikante:
– Filipino citizen
– residente sa Pilipinas na may degree na Bachelor of Science in Nursing
– aktibo ang Philippine Nursing License, at
– may dalawang taong professional bedside experience sa ospital o rehabilitation center

Sinabi pa ng POEA na dapat may German language proficiency ang mga aplikante o handang sumailalim sa training para magkaroon ng Level B1 proficiency.

Kinakailangang magrehistro ng mga aplikante sa www.eservices.poea.gov.ph at personal na magsumite ng mga dokumento at requirements sa Manpower Registry Division, Blas F. Ople Building sa Mandaluyong.

Nakatakda ang deadline ng aplikasyon sa POEA Central at Regional Offices sa Pebrero 28, 2019.

TAGS: Germany, Nurse, POEA, Germany, Nurse, POEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.