3 patay sa sunog sa Lapu-Lapu, Cebu

Nasawi ang isang lola at dalawang apo niyo sa sumiklab na sunog sa Lapu-Lapu, Cebu Linggo ng madaling-araw.

Batay sa ulat, tinupok ng apoy ang bahay ng mga biktimang sina Rosalinda Armalli, 59-anyos at dalawang apo na may edad 7 at 15 sa bahagi ng Barangay Basak.

Ayon sa mga imbestigador, naipit ang mga biktima sa kwarto ng kanilang bahay.

Gayunman, mabilis naapula ang sunong kung kaya’t walang nadamay na ibang bahay sa sunog.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...