DFA, inaalam pa kung may apektadong Pinoy sa LA shootout

By Angellic Jordan January 06, 2019 - 05:35 PM

Patuloy na minomonitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong Pilipinong naapektuhan sa nangyaring pamamaril sa Los Angeles, USA.

Ani LA Philippine Consul General Adelio Angelito Cruz, sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang group sa isang bowling alley ng gaming complex sa Torrance, Los Angeles noong Sabado ng hapon, oras sa Pilipinas.

Tatlo ang napaulat na namatay habang apat ang sugatan sa naturang insidente.

Sinabi ni Cruz na nasa mahigit-kumulang 4,000 na Pilipino ang nananatili sa coastal city na may kabuuang 150,000 na populasyon.

TAGS: DFA, LA Philippine Consul General Adelio Angelito Cruz, Los Angeles, usa, DFA, LA Philippine Consul General Adelio Angelito Cruz, Los Angeles, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.