3 Russian Navy vessels, dumaong sa bansa para sa 5-araw na goodwill visit

Dumating na sa bansa ang tatlong barkong pandigma ng Russian Navy, para sa limang araw ng goodwill visit.

Kabilang sa mga dumaong sa Pier 9 ng South Harbor sa lungsod ng Maynila ay ang Russian Navy Vessels na anti-submarine ship Admiral Pantellev, guided-missile cruiser Varyag at sea tanker Boris Botuma.

Simula ngayong araw, January 6, 2019 hanggang sa January 11, 2019 ay mananatili ang tatlong Russian Navy Vessels sa Pilipinas.

Layon ng goodwill visit ng Russian Navy na pagtibayin ang relasyon nito sa Philippine Navy.

Ito ang unang pagdalaw ng mga barkong pandigma ng Russia sa Pilipinas para sa bagong taong 2019.

Mula noong 2012 ay naka-pitong beses nang nakabisita ang mga barkong pandigma ng Russia sa Pilipinas.

Read more...