Gretchen Barretto, kampi sa ex-business partner ni Kris Aquino

 

Sa gitna ng word war sa pagitan nina Kris Aquino at dating business partner nito na si Nicko Falcis, tila pumasok na eksena si Gretchen Barretto.

Ito’y dahil sa mistulang pagkampi ni Gretchen kay Falcis, na sinampahan ng mga kaso ni Kris.

Sa post nito sa Instagram, makikita ang screenshot ng isang showbiz article.

Caption ni Gretchen, “I feel for Mr. Nicko Falcis after reading this article.”

Ayon sa kilalang socialite, pinupuri niya ang katapangan ni Falcis na ihayag ang umano katotohan, paglaban para sa kanyang pamilya at reputasyon sa kabila ng banta raw sa buhay nito.

Sa bandang huli, nakasaad sa caption ni Gretchen na “No to bullies!!! Stop power tripping” at may emoticon pa ng fist bump.

Naka-off ang comment section sa naturang post ni Gretchen, pero umani na ito ng mahigit sa pitong libong likes.

Si Kris naman, piniling mag-look back sa taong 1986 kung kailan ikinampanya ni Gretchen ang kanyang nanay na si dating Pangulong Cory Aquino laban sa mga Marcos.

Dagdag ni Kris, “dedma na sa pagtingin niya sa akin” at sinabing “chill” lamang siya.

 

 

Read more...