Isang pulis, patay sa pagsabog sa isang simbahan sa Egypt

By Isa Avendaño-Umali January 06, 2019 - 08:32 AM

 

Isang pulis ang nasawi habang dalawang katao ang sugatan sa pagsabog sa labas ng isang simbahan sa Egypt.

Kinilala ang biktima na si Mustafa Abid, isang specialist sa mine clearance.

Ang pagsabog ay naganap habang tinatangka ng pulis na i-defuse ang bomba na natagpuan malapit sa simbahan sa Nasr City, sa eastern Cairo.

Nangyari ang insidente dalawang araw bago ang pagdiriwang ng Pasko ng minority Coptic Christians sa Egpyt, sa January 7, 2019.

Ang pagsabog ay naganap din bago ang Christmas mass sa Cathedral of Nativity, kung saan inaasahang dadalo si President Fattah al-Sisi upang pangunahan ang inagurasyon ng katedral.

Wala pang umaako ng krimen, pero patuloy na nakabantay ang security forces sa labas ng mga simbahan at sambahan.

Pero ang Coptic Christians, na ang populasyon sa Egypt ay nasa 10%, ay target ng mga pag-atake ng Islamic State group sa loob ng maraming taon.

 

TAGS: Church bomb, Coptic Christians, Egypt, Church bomb, Coptic Christians, Egypt

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.