126 katao, nasawi sa pananalasa ng Bagyong Usman – NDRRMC

By Isa Avendaño-Umali January 06, 2019 - 07:32 AM

Kabuuang 126 na indibidwal ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Usman sa MIMAROPA, Regions 5 at 8.

Batay sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na inilabas kahapon (January 5), 60 ang sugatan habang nasa 26 na katao na nawawala pa rin.

Base pa sa tala ng NDRRMC, naapektuhan ng Bagyong Usman ang kabuuang 140,105 na pamilya o katumbas ng 624,236 na katao sa 876 na barangays sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5 at 8. 

Mula sa nasabing bilang, 13,135 na pamilya o 57,786 na residente ang nasa iba’t ibang evacuation centers (ECs), habang 22,633 na pamilya o 107,540 na katao ang nasa labas ng ECs.

Ayon sa NDRRMC, tinatayang nasa P2,073,518,500.00 ang pinsalang naidulot ng Bagyong Usman sa imprastraktura, samantalang aabot sa P758,649,858.45 naman sa sektor ng agrikultura.

Noong December 29, 2018 naglandfall ang Bagyong Usman sa Eastern Visayas na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslides sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

TAGS: Bagyong Usman, NDRRMC, Bagyong Usman, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.