100 bahay, natupok sa sunog sa Brgy. Manresa sa QC; 5 katao, sugatan

By Isa Avendaño-Umali January 06, 2019 - 06:19 AM

 

Nasa isang daang bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa Mauban Street, Barangay Manresa, sa Quezon City.

Nag-umpisa ang sunog Sabado ng gabi (January 5), habang itinaas sa ika-limang alarma pasado alas-dose ng madaling araw ng Linggo (January 6).

Naging mabilis ang paglaki ng sunog dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa nabanggit na residential area.

Tumulong na rin ang mga residente sa mga bumbero sa pag-apula sa sunog.

Limang katao naman ang sugatan sa insidente.

Idineklarang fire under control ang sunog dakong 1:35 ng madaling araw, at fire-out na bago mag-alas tres ng madaling araw.

Pansamantalang namamalagi naman sa Manresa covered court ang mga apektadong residente.

 

 

TAGS: Barangay Manresa, sunog, Barangay Manresa, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.