Bilang ng mga naputukan sa pagsalubong sa 2019 umakyat na sa 319

By Alvin Barcelona January 05, 2019 - 04:45 PM

(AP Photo/Aaron Favila)

Umabot sa 319 ang biktima ng paputok na naitala kaugnay sa pagsalubong sa taong 2019.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health ng 12 bagong biktima ng paputok ngayong Sabado, na siyang huling araw ng monitoring ahensya ng mga firecracker related injuries na nagsimula noong December 21, 2019.

Sa 12 panibagong kaso, tatlo ay naitala sa Region 7, dalawa sa Metro Manila, Region 6 at 10 habang tig-isa sa Region 1, 4a at 5.

Ayon sa DOH, mas mababa ang  bilang ng mga firecraker related injuries ngayong taon ng 38 porsyento kumpara noong pagsalubong sa 2018 na umabot sa 513 na kaso.

Sa kabuuang bilang ng firecracker related injuries, 305 ang nasugatan kabilang ang 11 naputulan ng bahagi ng katawan, 80 na naputukan sa mata at dalawa na nakalulon ng pulbura.

Pinakamarami naman ang nabiktima ng kwitis na 68, 36 dahil sa luces, 21 sa piccolo, 19 sa pagpapasabog ng boga, at 16 dahil sa fivestar o triangulo.

TAGS: 2019, department of health, doh, Firecrackers, injuries, 2019, department of health, doh, Firecrackers, injuries

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.