Lawaran ng mga nag-iwan ng bombang sumabog sa Cotabato inilabas na ng PNP

PNP Region 12 photo

Inilabas na ng PNP- Special Investigation Task Group (PNP-SITG) ang larawan ng mga suspect sa naganap na pambobomba sa South Seas Mall sa Cotabato City noong December 31.

Sinabi ni PNP Regional Police Officer 12 Spokesman Supt. Aldrin Gonzales na ang nasabing mga larawan ay mula sa kuha ng CCTV.

Isa sa dalawang lalaking suspek ang nakunan ng CCTV na siyang nag-iwan ng pampasabog sa lugar na nagresulta sa kamatayan ng dalawa katao at pagkasugat ng maraming iba pa.

Pinaniniwalaan ring may laman pang mga improvised explosive device (IEDs) ang backpak ng mga suspek at mas marami pa sana silang napasabog na lugar kung nakakuha lamang ng tamang tiyempo.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung saang grupo kaanib ang nasabing mga kalalakihan.

Nauna dito ay naglabas na ng P500,000 na reward ang lokal na pamahalaan ng Cotabato City para sa mabilis na ikalulutas ng pagpapasabog.

Naganap ang pambobomba pasado alas-dos ng hapon noong December 31 nang iwan ng mga suspek ang kanilang dalang bomba malapit sa tindahan ng mga paputok sa labas ng nasabing mall.

Read more...