10-anyos na batang babae sugatan makaraan saksakin ng sariling ama

By Jimmy Tamayo January 05, 2019 - 11:56 AM

Photo: Cebu Daily News

Nakaligtas sa tangkang pagpatay ng sarili niyang ama ang isang sampung taong gulang na batang babae sa Barangay Inayawan, Cebu City.

Sa ulat ng Cebu Daily News,  Biyernes ng hapon nang saksakin sa dibdib ng tatay na nakilalang si Roger Amora, 43 anyos ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Palwa.

Pero dahil sa mabilis na responde ng mga pulis at Barangay Tanod ay nailigtas pa ang bata bagaman nagtamo ito ng tama ng patalim sa dibdib.

Base sa kwento ng ilang mga nakasaksi, tila wala sa tamang pag-iisip si Amora nang saksakin nito ang kanyang anak gamit ang isang patalim na may habang siyam na pulgada.

Nabatid pa na nauna nang tumakas ng bahay ang misis ng suspek para humingi ng tulong dahil sa ginagawa ng suspek sa kanyang anak.

Samantala, habang nakapiit sa Pardo Police Station itinanggi ni Amora na tinangka niyang patayin ang anak.

Sa halip ay sinabi nito na ang anak niya ang may hawak sa patalim at tinangka daw niyang agawin ito at habang nag-aagawan sila at aksidenteng nasaksak sa dibdib ang bata.

Hindi naman ito tinanggap ng pulisya maging ng barangay tanod na rumesponde sa krimen dahil naririnig nilang nagmamaka-awa ang bata at sinasabing “ayaw Pa” o huwag Itay.

Ang bata ay naka-confine ngayon sa Cebu City Medical Center habang ang ama ay kakasuhan ng frustrated parricide.

TAGS: Cebu City, frustrated parricide, PNP, stab wound, Cebu City, frustrated parricide, PNP, stab wound

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.