5 teenagers patay sa nasunog na “escape room” sa Poland

By Jimmy Tamayo January 05, 2019 - 10:26 AM

AP photo

Patay ang limang kabataang babae habang isang lalaki ang sugatan nang masunog ang isang escape room sa lungsod ng Kaszalin sa Poland Biyernes ng gabi.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam ang pinagmulan ng apoy.

Ayon kay Interior Minister Joachim Brudzinski ang mga biktima ay pawang nasa edad na 15 habang ang nakaligtas na lalaki ay nasa 25 anyos na nagtamo ng mga paso sa katawan.

Nauuso ang escape room sa nasabing bansa na ginagawang game kung saan isang oras na ikukulong ang mga participant at binibigyan ng mga clues bago makalabas sa nasabing kuwarto.

Iniutos na ngayon ng state fire service ang pagsusuri sa mga escape room sa buong bansa at alamin ang kaligtasan ng mga ito sa lalo na sa sunog.

TAGS: escape room, fire, Kaszalin, Poland, escape room, fire, Kaszalin, Poland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.