Grade 7 student nagbigti sa traffic light sa Koronadal City

Youtube video grab

Nabigla ang maraming motorista sa Koronadal City makaraang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang Grade 7 student sa mismong traffic light sa sentro ng lungsod.

Sinabi ni PO2 Eduardo Villanueva na inakala lamang ng mga tao sa lugar na may kukuning bagay sa mataas na bahagi ng traffic light ang 19-anyos na biktima.

Pero laking gulat nila nang bigla itong maglagay ng tali sa poste ng traffic light at ikinabit na iyun sa kanyang leeg pasado alas-otso ng gabi araw ng Biyernes.

Mabilis namang rumesponde ang ilang tauhan ng Philippine National Police at rescue unit ng lungsod pero idineklarang dead-on-arrival sa ospital ng biktima na kinilala lamang sa “Boyet”.

Sa ginawang pagsisiyasat ng mga pulis ay kinakitaan ng mga pasa sa katawan ang nasabing biktima.

Napag-alaman rin na sumailalim sa hazing ng isang fraternity sa lungsod ang biktima bago ito nagpakamatay.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng Koronadal City PNP sa nasabing pangyayari.

Read more...