CPP-NPA tinanggap ang hamon na bumalik sa negotiating table
Kahit tuloy ang kanilang plano na ibagsak ang administrasyong Duterte ay tinanggap naman ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang posibilidad ng pagbuhay sa peace talk.
Sa kanyang pahayag, Sinabi ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na ang sambayanan rin naman ang makikinabang kapag natuloy ang resumption ng usapang pangkapayapaan.
“Enemies need peace negotiations before they can become friends or partners for the sake of the Filipino people who desire social, economic and political reforms as basis for a just and lasting peace,” ayon sa pahayag ng lider ng komunistang grupo.
Bagaman tuloy ang kanilang word war ni Duterte, sinabi ni Sison na tanggap ng kanilang grupo ang naging pahayag ng pangulo na hindi dapat isara ng tuluyan ang negosasyon sa magkabilang grupo.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang panawagan ni Sison sa kanilang mga tagasuporta na ituloy ang pagpapatalsik sa pwesto kay Duterte.
Bukod sa pananatili ng banta ng nationwide martial law, sinabi ni Sison na plano rin ang pamahalaan na dayain ang halalan sa 2019.
Samantala, nanatili naman ang bisa ng Executive Order number 70 ng pangulo na siyang bumuo sa isang special task force na ang pangunahing layunin ay durugin ang CPP-NPA.
Ang pangulo mismo ang namumuno sa nasabing special task force na binuo noong nakaraang buwan ng Nobyermbre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.