Makaraan ang kanyang mga pahayag na dudurugin ng kanyang administrasyon ang Communist Party of the Philippines (CPP) ngayon ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas pa rin siya sa peace negotiations.
Sa kanyang pahayag ay sinabi ng pangulo na hindi nila pwedeng isara ng tuluyan ang pakikipag-usap sa komunistang grupo.
Bagaman nagpapalitan sila ng mga maanghang na salita ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison ay sinabi ng pangulo na hindi pwedeng putulin ng tuluyan ang proseso sa kapayapaan.
Noong nakaraang Pasko ay hindi tinapatan ng pamahalaan ang unilateral ceasefire ng komunistang grupo.
Noong panahon ring iyun ay sinabi ng pangulo na kayang durugin ng pamahalaan sa loob lamang ng ilang araw ang mga miyembro ng New People’s Army.
Sa kanyang pahayag ay sinabi naman ni Sison na gagawing prayoridad ng kanilang grupo ngayong 2019 ang pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.