Hindi pa ibubunyag ng pamilya Batocabe ang kanilang kandidato sa pagkaalkalde na hahalili para sa napaslang na si Ako Bicol partylist Representative Rodel Batocabe.
Ayon sa anak ng kongresista na si Atty. Justin Batocabe, bukod sa nagluluksa pa ang pamilya, isa sa mga dahilan ay ang isyu ng seguridad.
Anya, kung isisiwalat agad nila kung sino ang magiging substitute candidate, baka ito naman ang susunod na target ng mga masasamang elemento.
Una nang sinabi ni Justin na hinihimok ang kanyang ina na si Gerti Duran-Batocabe na maging substitute.
Sa ilalim ng election law, ang maaari lamang pumalit ay ang mga indibidwal na may kaparehong surname.
Matatandaang nasawi ang nakatatandang Batocabe kasama ang kanyang police aide noong December 22 sa kasagsagan ng isang gift-giving event.
Itinuro na ng PNP ang magiging kalaban dapat ni Rep. Batocabe sa pagkaalkalde na si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na mastermind sa kanyang pagkamatay.