Pres. Nieto at PM Trudeau, tinanghal na #APEChottie sa social media

 

Mula sa inquirer.net

Pinagkaguluhan sa social media ang pagdating nina Mexican President Enrique Peña Nieto at Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Maynila para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Tila ba kahit paano ay humupa ang walang humpay na reklamo ng publiko hinggil sa matinding trapikong idinulot ng mga nagsarang daan para sa pagdating ng mga APEC delegates nang dumating ang dalawang pinuno.

Marami kasi ang nagpahayag ng paghanga kina Nieto at Trudeau sa social media, gamit pa ang hashtags na #APEChottie at #APECbae.

Nagmistulang beauty pageant ang diskusyon ng mga netizens na para bang tinitimbang kung sino ang dapat tanghaling “Mr. APEC 2015”.

May mga nag-share ng pictures ng dalawa sa Twitter at Facebook kasabay ng pagdedeklara kung sila ba ay “Team Nieto” o “Team Trudeau”.

Biro ng iba, si Nieto raw ay parang leading man sa mga Mexicanovela na ipinapalabas sa Pilipinas, habang si Trudeau naman umano ay mistulang Hollywood actor.

Nag-trending pa sa Twitter ang #APEChottie na hanggang kaninang hatinggabi ay nasa ikalimang puwesto ng mga nag-trending na hashtag.

Read more...