Inflation rate ngayong 2019 babagal sa 2 hanggang 4 percent – BSP
Positibo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maaabot ang target na 2 hanggang 4 percent na inflation rate para sa taong ito hanggang sa 2020.
Ito ay matapos ang 5.1 percent na inflation rate na naitala para sa buwan ng Disyembre 2018.
Nauna nang sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA), na ang pagbagal ng inflation noong nakaraang buwan ay dahil sa hindi pagtaas ng presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages at pasahe.
Sinabi naman ng BSP na patuloy nitong babantayan ang price developments sa bansa.
Lahat umano ng mahahalagang impormasyon ay ikokonsidera sa susunod na monetary policy meeting ng central bank sa February 7.
Ito ay upang matiyak na ang lahat ng polisiya tungkol sa pananalapi ay nakabatay sa mandato na tiyakin ang price stability.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.