Jett Manuel, iniwan na ang PBA; itutuloy ang karera bilang civil engineer

By Rhommel Balasbas January 05, 2019 - 01:06 AM

Ilang araw bago ang pagbubukas ng 2019 season ng PBA, iniwan na ni Jett Manuel ang liga.

Ito ay upang ituloy ang karera na kanyang pinagsumikapang makuha.

Nagtapos si Manuel sa University of the Philippines at naging isang lisensyadong civil engineer.

Aminado si Ginebra head coach Tim Cone na nabigla siya sa desisyon ni Manuel.

Matatandaang napili ang manlalaro bilang 12th overall pick ng Ginebra noong 2017 PBA rookie draft at pinapirma ng 1-year contract.

Bagaman nagulat, pinapurihan ni Cone ang desiyon dahil ito ay para sa kanyang pamilya at ipinapakita anya nito ang isang magandang karakter.

Naniniwala ang coach na magiging isang magaling na inhinyero si Manuel dahil sa disiplina nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.