Biro ni Pang. Duterte: ‘Leni’ dapat ang ipinapangalan sa bagyo

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 07:40 PM

Inquirer File

Kung siya ang masusunod, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘Leni’ Ang ipapangalan niya sa bagyo.

Ito ang biro ni Pangulong Duterte kasabay ng pagsasabing hindi kasi dapat pinapangalanan ng ‘Usman’ ang bagyo.

Sa kaniyang pagdalo sa command conference sa Pili, Camarines Sur sa lawak ng pinsala ng Bagyong Usman, maging sina Department of Education Sec. Leonor Briones at Department of Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat ay hindi nakaligtas sa biro ng pangulo.

Ayon sa pangulo mas mainam na tawaging ‘Bernadette’, ‘Leonora’ at ‘Leni’ ang mga bagyo.

Samantala, matapos ang ginawang aerial inspection, iginiit ng pangulo ang kaniyang plano na bumuo ng hiwalay na departement para sa disaster response.

TAGS: Rodrigo Duterte, usman, Rodrigo Duterte, usman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.