Sa isang statement sinabi ni Diokno na kahibangan ang alegasyon sa kanya ni Andaya.
Mali anya ang mga figure at walang basehan ang kwento ng kongresista.
Pinalagan ng kalihim ang sinabi ni Andaya sa hearing sa Naga City.
Pinabulaanan nito na inadjust ang 2019 budget ng Department of Public Works and Highways na hindi alam ni Sec. Mark Villar.
Paliwanag ni Diokno, ang orihinal na panukalang budget ng DPWH ay P652 Billion at hindi P488 Billion na sinabi ni Andaya sa question hour sa kamara noong December 11, 2018.
Pero sa huling bahagi anya ng budget preparation ay kulang pa rin ang kabuuang infrastracture budget para mailabas ang 5 percent ng gross domestic product para sa mga proyekto, dahilan kaya inadjust ang budget ng DPWH ng p75.5 billion.
Giit ng kalihim, ang DPWH ang nag fill out ng kanilang budgetary allocation at limitado lamang ang DBM sa paglaan ng budget ceiling at pagsuri sa panukalang proyekto.