Red rainfall warning itinaas sa ilang lugar sa Visayas dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan
Malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa ilang bahagi ng Visayas.
Sa abiso ng PAGASA, alas 4:36 ng haponm itinaas na ang red warning level sa lalawigan ng Bohol at sa Southern Leyte.
Alas 5:12 naman ng hapon nang itaas din ang red warning level para sa southern Cebu.
Ilang oras nang nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang nabanggit na mga lalawigan dahil sa tail-end ng cold front.
Ayon sa PAGASA maari nang magdulot ng matinding pagbaha ang tuluy-tuloy na pag-ulan.
Sa mga bulubunduking lugar naman maari nang lumamot ang lupa na posibleng magresulta sa landslide.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente at local disaster risk reduction and management council doon na magpatupad na ng karampatang aksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.