LOOK: Pangulong Duterte nagsagawa ng aerial inspection sa mga napinsala ng Bagyong Usman
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar sa Bicol Region na sinalanta ng Bagyong Usman.
Ang mga larawan ay ibinahagi sa media ni dating Special Assistant to the President Bong Go.
Matapos ang aerial inspection dumalo ang pangulo sa situation briefing kung saan inilahad sa kaniya ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang lawak ng pinsala ng bagyo.
Ginawa ang briedfing sa Camarines Sur Watersports Complex sa Pili, Camarines Sur.
Sa huling datos ng NDRRMC, 122 ang patay sa Bagyong Usman, 28 ang nawawala at 60 ang sugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.