Muling inilawan ang Eiffel Tower sa Paris, France ilang araw matapos ang madugong pag-atakeng naganap sa tinaguriang ‘City of Lights’.
Sa address na ginawa ni French President Francois Hollande, sinabi nito na ang mga biktima sa pag-atake ay mula sa 19 na bansa.
Hiniling ni Hollande sa United States at Russia na magkaisang salakayin at buwagin ang Islamic State group sa kanilang bayan.
Ayon pa kay Hollande, ang naganap na terror attack ay pinagdesisyunan at pinlano sa Syria, inorganisa sa Belgium, at isinagawa sa kanilang bansang France para balutin sila ng takot at magdulot ng hidwaan sa kanilang mga mamamayan.
Libu-libo ang nagtipon sa candle light memorials sa Place de la Republique square sa ilalim ng Eiffel Tower na nag-liwanag sa pula, puti at asul na ilaw bilang pag-alala sa mga namatay at nasugatan sa pag-atake.
Kasabay ng muling pagpa-pailaw ng tore, naka-project din malapit sa base nito ang matagal nang kataga ng France na “Tossed but not sunk,” na sumisimbolo sa katibayan ng siyudad sa anumang pagsubok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.