Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot balik-trabaho matapos ang inihaing leave of absence

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 04:46 PM

FB Photo: Municipality of Daanbantayan

Nakabalik na sa trabaho ngayong araw si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot matapos ang mahigit isang buwan nitong leave.

Noong Nov. 18, 2018 nang maghain ng 30-araw na leave of absence si Loot at noong Dec. 5 muli itong humiling ng dagdag na 30-araw na leave.

Ngayong Biyernes, Jan. 4 nagpakita na sa munisipyo ng Daanbantayan si Loot na sinalubong naman ng mga opisyal ng munisipyo, mga barangay official at SK official.

Agad ding sumabak sa trabaho si Loot at nagpasinaya ng isang bagong bukas na fastfood chain sa Daanbantayan.

Sa kasagsagan ng kaniyang leave, nagtungo sa Canada at Estados Unidos si Loot at binisita ang kaniyang mga kapatid.

Minabuti rin nitong doon na magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kaniyang pamilya.

Si Loot ay kabilang sa mga dating police official na kasama sa narco-list ni Pangulong Duterte.

TAGS: Daanbantayan Cebu, Vicente Loot, Daanbantayan Cebu, Vicente Loot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.