Twitter ng kumpanyang Huawei nag-tweet ng New Year greetings gamit ang iPhone
Pinarusahan ng kumpanyang Huawei Technologies ang dalawa nilang empleyado matapos mag-tweet ng New Year greetings sa official Twitter account ng kumpanya gamit ang iPhone.
Isang New Year greetings ang ibinahagi sa Twitter accout ng Huawei at sa isa baba ng tweet nakasulat ang “via Twitter for iPhone”.
Bagaman mabilis na nabura, marami pa rin ang agad nakapuna nito at nakakuha ng screenshots.
Isang internal memo ang inilabas ng Huawei kung saan nakasaad na ang insidente ay nagdulot ng “damage” sa Huawei brand.
Batay sa impormasyon, na-demote ang dalawang empleyado at nawasan ang buwanang sweldo.
Paliwanag ng Huawei, nakaranas umano ng problema ang kanilang social media handler sa desktop computer kaya naisipan nitong gamitin ang kaniyang cellphone na iPhone para i-post ang pagbati.
Isa ang Huawei sa kalaban iPhone sa bentahan ng smartphones.
Katunayan noong January hanggang Setyembre, naungusan ng Huawei ang Apple bilang second largest smartphone vendor sa mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.