Ayon sa Labor Advisory No. 01-2019 ng DOLE nakasaad na ang pagbawi ay kasunod na rin ng re-opening ng Boracay matapos isailalim sa rehabilitasyon.
Epektibo agad ang lifting ng suspension.
Ang AEP ay isa sa mga requirement para makakuha ng work visa ang mga dayuhan na nais magtrabaho o mag-negosyo sa bansa.
Kailangan lamang matiyak na ang trabahong gagampanan ng dayuhan ay hindi magagawang gampanan ng lokal na manggagawa bago ito isyuhan ng AEP.
Noong June 2018 ay iniutos ni Labor Sec. Silvestre Bello III na suspendihin ang pagpapalabas ng AEP para sa mga dayuhang manggagawa sa Boracay.