Suspensyon sa pagbibigay ng AEPs sa mga dayuhang manggagawa sa Boracay binawi na ng DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 02:30 PM

Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang umiiral na suspensyon sa pagbibigay ng Alien Employment Permits (AEPs) sa mga dayuhan sa Boracay.

Ayon sa Labor Advisory No. 01-2019 ng DOLE nakasaad na ang pagbawi ay kasunod na rin ng re-opening ng Boracay matapos isailalim sa rehabilitasyon.

Epektibo agad ang lifting ng suspension.

Ang AEP ay isa sa mga requirement para makakuha ng work visa ang mga dayuhan na nais magtrabaho o mag-negosyo sa bansa.

Kailangan lamang matiyak na ang trabahong gagampanan ng dayuhan ay hindi magagawang gampanan ng lokal na manggagawa bago ito isyuhan ng AEP.

Noong June 2018 ay iniutos ni Labor Sec. Silvestre Bello III na suspendihin ang pagpapalabas ng AEP para sa mga dayuhang manggagawa sa Boracay.

TAGS: Alien Employment Certificate, boracay, Radyo Inquirer, Alien Employment Certificate, boracay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.