Gastos para sa biyahe ng mga basura sagot ng South Korea
Ang gobyerno ng South Korea ang sasagot sa lahat ng gastos para sa pagbyahe pabalik sa kanilang bansa ng tone-toneladang basura na naipuslit sa Pilipinas noong nakalipas na taon.
Sa idinaos na pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at ng South Korea, aabot ang shipping cost sa $47,430 na katumbas ng mahigit P2 milyon.
Sa January 9 at January 30, 2019 itinakda ang pagbabalik ng mga basura sa South Korea.
Ang mga basura na naka-consign sa Verde Soko ay nakatambak sa Mindanao International Container Terminal sa Misamis Oriental.
Dalawang beses na nagpuslit ang Verde Soko ng basura mula sa South Korea noong nakalipas na taon, ang una ay binubuo ng higit limang libong metriko tonelada ng plastic at waste materials na misdeclared bilang plastic synthetic flakes at ang ikalawa naman ay nasa loob ng 51 na 40-footer container na idineklara rin bilang plastic synthetic flakes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.