Motu proprio investigation kay Diokno ipinaubya ng Kamara sa Ombudsman
Ipinapaubaya na ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. sa Office of the Ombudsman ang pagsasagawa ng motu proprio investigation kaugnay sa mga anomalya sa budget process na kinasasangkutan umano ni Budget Secretary Benjamin Diokno.
Sa panayam kay Andaya matapos ang pagdinig sa Naga City, sinabi nitong may karapatan si Diokno na sagutin ang mga isyu ngunit matibay na umano ang mga dokumento at testimonyang nakalap nila.
Ito aniya ay maaaring maging daan para mismong ang Ombudsman na ang kumilos o magsampa ng kaso laban kay Diokno.
Magre-request umano sila ng special fraud audit mula sa Commission on Audit para mapagtibay na may mga kontrata para sa flood control projects na inaaprubahan nang hindi man lang binabasa.
Iginiit rin ni Andaya na maaaring mapanagot ang may-ari ng CT Leoncio Construction dahil sa nangyaring iregularidad bagama’t naniniwala siyang wala talaga itong kinalaman sa mga transaksyon at nagamit lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.