Lima patay, hindi bababa sa 5 ang sugatan sa aksidente sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 10:40 AM

Inquirer file photo

Patay ang limang katao matapos ang aksidente na naganap sa bayan ng San Juan sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa San Juan Batangas Police, alas 2:30 ng madaling araw kanina (Jan. 4) nang makasalpukan ang isang kotse at tricycle sa bahagi ng Barangay Aplaya.

Nabatid na 10 ang sakay ng tricycle habang 5 naman ang sakay ng kotse.

Maliban sa limang nasawi, hindi bababa sa 5 ang lubhang nasugatan na dinala na agad isinugod sa pagamutan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

TAGS: accident, Batangas, Radyo Inquirer, san Juan, accident, Batangas, Radyo Inquirer, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.