Bilang ng mga nasugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon, mahigit 300 na

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 10:31 AM

File photo

Mayroon pang 19 na bagong kaso ng firecracker-related injuries na naitala ang Department of Health (DOH).

Dahil dito, sinabi ng DOH na mula Dec. 21 hanggang umaga ng Jan. 4, umabot na sa 307 ang bilang ng mga nasugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa Fireworks-Related Injury (FWRI) Surveillance report ng DOH, ang nasabing

bilang ay 40% pa ring mas mababa kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon at 64% na mas mababa sa nakalipas na limang taon.

Ang 19 na mga bagong kaso ay mula sa Region 1 na may walong kaso, Region 6 at Region 4-A – tatlong kaso, NCR – dalawang kaso at tig-iisang kaso sa Regions 3, 11 at 12.

Ayon sa DOH sa kabuuan ng bilang, nasa 68 ang nasugatan dahil sa kwitis, 35 sa luces, 20 sa piccolo, 19 sa boga, at 16 sa 5-star.

Nananatili namang dalawa ang biktima ng fireworks ingestion.

TAGS: department of health, firecracker related injuries, Radyo Inquirer, department of health, firecracker related injuries, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.