Naipamahaging fuel subsidy cards umabot ng mahigit 70,000

Umabot sa 71,876 ang naipamahaging Pantawid Pasada fuel subsidy cards ng Department of Transportaiton (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang nasabing halaga ay katumbas ng mahigit P359 million na halaga ng ayuda sa mga lihitimong franchise owner ng mga pampasaherong jeep at kanilang mga tsuper.

Ipinamahagi ang mga fuel subsidy card mula July 2018 hanggang Dec. 28, 2018.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada Program, pinagkalooban ng tig-P5,000 subsidy ang PUJ operator at driver.

Ang Pantawid Pasada Program ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read more...