Rehabilitasyon sa MRT-3 uumpisahan na

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 08:48 AM

Magsisimula na ngayong buwan ang mahigit tatlong taon na rehabilitasyon sa Metro Rail Transit – 3.

Sa gagawing rehabilitasyon, magsasagawa ng overhaul sa 72 light rail vehicles ng MRT-3.

Kabilang sa aayusin ang riles, power supply, signalling syste,. public address system at ang CCTV sa mga istasyon.

Aayusin din ang mga sira-sira nang elevator at escalators sa 13 istasyon ng tren.

Sa kabila ng gagawing rehabilitasyon, pipilitin ng MRT-3 na mapanatiling 15 tren ang bumibiyahe araw-araw.

Kung kakailanganin naman ang suspensyon ng operasyon sa kasagsagan ng rehabilitasyon ay gagawin ito kapag holiday para hindi maapektuhan ang maraming pasahero.

TAGS: dotr, mrt-3, Radyo Inquirer, rehabilitation, dotr, mrt-3, Radyo Inquirer, rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.