7 patay, marami ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Florida

CREDIT: Alachua County Fire Rescue

(UPDATE) Pito ang patay at marami pa ang nasugatan sa karambola ng mga sasakyan na naganap sa Gainesville, Florida.

Ayon sa Alachua County Fire Rescue, sangkot sa aksidente ang dalawang tractor-trailers, isang passenger van, at dalang kotse.

Sa larawang ibinahagi ng Fire Rescue sa kanilang Facebook page, makikita ang tractor-trailer na nagliliyab.

Ilan sa mga isinugod sa pagamutan ay nagtamo ng matinding pinsala.

Ipinasara naman ang magkabilang linya ng kalsadang naapektuhan dahil maliban sa nasunog na sasakyan, may tumagas din na galon-galong diesel sa kalsada.

Read more...