Limang nandurukot ng cellphone sa mga pasahero ng bus arestado sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 06:38 AM

Naaresto ang limang lalaki matapos dukutan ng cellphone ang ilang pasahero ng bus sa Makati City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ruel Bautista, John Paul Perez, Richie Reyes, Romeo Flores at Ramil Bitoy.

Maliban sa mga cellphone, may mga nakuha ring iba pang gamit ang mga suspek mula sa mga pasahero.

Sinabi ni Sr. Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police, isa sa mga pasahero ng bus ang nagsisigaw nang mapansing wala na ang cellphone sa kaniyang bulsa.

Matapos ito, napansin din ng iba pang pasahero na nawala din ang kanilang cellphone.

Agad namang itinigil ng driver ang bus nang may makitang mga pulis.

At nang busisiin ang sakay ng mga pasahero doon natukoy ang limang suspek.

Si Bautista na lider ng grupo ay ilang beses nang naaresto sa parehong reklamo.

TAGS: 5 arrested, makati city, 5 arrested, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.