U.S nagpalabas ng travel advisory sa China

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 06:32 AM

Reuters Photo

Nagpalabas ng travel advisory ang Estados Unidos laban sa China.

Sa abiso na inilabas ng US State Department, binalaan nito ang mga mamamayan ng Amerika at sinabihang maging maingat sa pagbiyahe sa China.

Nakasaad sa abiso ang mahigpit na pagpapatupad ng local laws sa China ang dahilan kaya dapat maging maingat sa pagbiyahe sa nasabing bansa.

Kamakailan, dalawang Canadian ang nakulong sa China dahil sa hinalang may nilalalabag ito sa seguridad ng bansa.

Ikinulong ang dalawang Canadian, matapos namang arestuhin sa Vancouver ang Chinese National na opisyal ng Huawei Technologies base sa kahilingan ng Estados Unidos.

TAGS: China, Radyo Inquirer, US, China, Radyo Inquirer, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.